Wednesday, January 12, 2011

MISS GAY KEME

Sadyang ang mga kabaklaan talaga ayaw pa awat kung saan may Miss Gay aariba at aariba.  Malayo man o malapit pag napag alaman na may contest gora at gogora talaga. Keber kung saang venue man sya. Sa isang sulok sa kalsada ng barangay, sa malapit sa palengke kahit saan go parin ang bakleta.  Pero hindi naman talaga ang Miss Gay title pinag tatalunan dun eh.  Ano pa nga ba eh di ang datung sa mapapanalunan nila haha!

Meron nga akong kaibigan hindi naman sya kagandahan hindi rin sya katangkaran pero pagdating sa bulagan waging wagi naman sya. Ikaw ba naman mag kolorete na animo’y inukit na maynika,  saan ka pa!?  Kahit  nga sya pag nag salamin di rin nya kilala sarili nya eh… lalaban ka pa ba haha!  Pag dating sa contest ang bayota confident as in parang nakakainis na sya kung umasta.  Pag tiningnan ang mga kalaban paplastikin pa nya ‘ ‘ ganda mo teh, etchuz!’’. Etchuz talaga kasi hindi naman talaga kagandahan ang kalaban nya.  Parang sya lang din. Kung hindi ko nga lang sya pren e di nilait lait ko na rin sya hahaha laetera pala!

Manood ako ng miss gay minsan sa isang sulok ng Maynila.  Gustong gusto ko nanonood pag ang pageant hindi ganun ka pukpokan.  Pitong contestant lang meron nung gabi na yon.  Busy busyhan ang lahat foundation dito foundation doon.  Nakikita ko sila kasi nasa daanan lang naman din sila nag aayos eh.  Isang daan kung saan animoy isang malawak na dressing room.  Packaging dito packaging dun maipit lang ang kawawang si manoy.

Syempre ang pinaka favourite ng lahat Introduction ng walang kamatayang Patimpalak Kagandahan Kuno.


‘‘good evening ladies and gentlemen, standing right in front of you is ahhh  lahat ng apilyedo dito MADRIGAL, CARBONEL, kahit anong bonggang apilyedo gamit na gamit na ng mga walang kamatayang contestant na to,  meron pa nga Maria False Eyelashes Upanddown hehehe keme lang sa ibang venue naman yon pang Miss Gay Undas naman yon hahaha! 

Heto na…

‘‘good evening ladies and gentlemen, standing right in front of you is Lara Francine Florentino stunner, coming all the way from the City of Malabon City.  Sabay hawi ng national attire…. ramfa….

Meron din tangalog….

‘‘Mula sa bulubundukin ng Sierra Madre and diosa ng kagandahan, Anne Curtis Smith. May kasabihan po tayo ang hindi marunong lumingon sa pinanggalinagn matinik malalim’’. Full smile ang bakla…. ramfa

Babanat din yon isa…

 ‘‘Mula sa bakuran ng GMA 7 ang nag patibok sa puso ni dingdong dantes, ang sumisig sa kailaliman ng karagatan ‘‘Dyesebel’’ ang lumipad sa rorok ng kalangitan ‘‘darna’’ ang babaeng hinugot ang tadyang …. ang nag iisang Marian Rivera’’ tapos sabay aariba sya ng isang kasabihan ekek ahaha oh diba mga baklush pa mag papatalo ba sila sa isa’t isa?

May isa pa ako nakitang nakakatawa sa introduction, pag ang isa dun naka costume ng malalaki tapos pag taas ng kamay nya ang mga contestant na nasa likuran nya natatakpan sa laki ng costume nya hahaha okray!

Pag dating naman sa talent walang kamatayan interpretative dance about kapaligiran syempre. May isa pa sasayaw na mala hostess tapos tatakpan sya ng kurtina tapos magtatanggal sya ng wig at mag susuot ng shades ayon hosto na raw sya haha tapos kekeme sya wag husgahan ang nga bayota kasi blah blah which is tama naman sya haha. etchuzerang froglet diba!

Meron din nag eemote sa pag drawing habang sumasabay sa saliw ng do-re-me etchuz lang! syempre tinutugtog ang walang kamatayang Natutulog pa ang Dyos ni Gary V. pagkatapos ihaharap nya drawing sa audience na animo’y ito ay isang masterpiece, depende na lang kung ano kinalabasan rawing nya with matching explanation ekek ng kahit ano tungkol sa drawing nya. haha!  May isa dun nag drawing sya more more drawing pag katapos ng drawing nya ipinakita sa audience sabay sabi…

 ‘‘may mag bagay na nagbibigay saya sa atin at pag ito’y napapasa atin….gusto mo ito’y uulit ulitin’’ maloloka ka pa kasi gospel song habang nag dodrawing sya tapos ipapakita nya si Jolibee nakangiti pa haha. 

Question and answer heto, dito nagkakaalamanan na.   Sa part naman na to ang pinaka gasgas na words na ginagamit dito ano pa nga ba ‘ ‘because I believe ladies and gentlemen’’, sa buong sagot nya mag bibilang ka kung ilang beses nya binanggit ang because I believe ladies and gentlemen  na yan haha paulit ulit paulit ulit!

Sa last part ng pageant top 5 na, ang mga bayota parang babaeng babae talaga pa sweet haha tapos kunwari isa na lang ang natitira ‘‘at the last finalist is miss….’’ pag narining na yan isa isa na sila bababa ng stage nangunguna dun yong alam mo namang pasok sya kunwari pa hahaha kung sino naman tong walang laban heto sya naka pose with full smile pa talaga hahaha

Ang ending may nanalo hehehe….

At syempre pag may nanalo may nagprotesta din haha!

Ganun naman talaga eh ang bakla pa pag natalo nadaya daw sya… ano pa nga  ba?! 

Okey lang naman ateng ika nga diba 

''Time is gold, better luck next time''

hahaha! J)


No comments:

Post a Comment